Huwebes, Pebrero 6, 2020


Propaganda devices sa Tekstong Persweysiv

1. Name Calling - Ang name calling ay ang hindi magagandang puna o taguri sa isang tao o bagay.

Halimbawa:
Ang pagsisiraan ng mga kandidato kapag eleksyon. Tuwing eleksyon ay nagbibigay ng di magagandang puna ang kandidato sa kalaban nila sa pwesto tulad ng kurakot, kukunin lamang ang kaban ng bayan.

2. Glittering Generalities - Ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakakasilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag.

Halimbawa:
Sa isang commercial ni James Reid na ipapakita na sa kahit anong sitwasyon, kapag ginamit mo ang produktong iyon ay GWAPO ka sa lahat ng pagkakataon.
3. Transfer - Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto.

Halimbawa:
Pagpromote ng isang artista sa hindi sikat na brand.
4. Testimonial - Ito ang propaganda device kung saan tuwirang eneendorso o pino-promote ng isang tao ang kanyang tao o produkto.

Halimbawa:
Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na wag ding kakalimutan ng sambayanan ang kanyang kapartido.
5. Plain Folks - Uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay nanghihikayat sa pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng isang ordinaryong tao para makuha ang tiwala ng sambayanan. Ito ay kalimitang ginagamit ng mga tumatakbo sa politiko.

Halimbawa:
Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa hirap.

6. Bandwagon - Hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga ito na ang masa ay tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo.
Halimbawa:
LBC: Lahat ng tao ay dito na nagpapadala.
TGP: Tagapagpagaling ng Pilipinas.
Joy (Sabong panlaba); Pinapakita sa commercial nila na ang mga tao sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ay gumagamit na ng Joy sa paghuhugas ng pinggan dahil ito ay epektibo sa pagtangal ng sebo.
7. Card Stacking - Pagsasabi ng maganda puna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito.

Halimbawa:
Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.



  Mga Miyembro:                      
   
Cordero                       
Tagupa                       
Valiao                       
Geldore                      
Labrador                     
Gerondio                     
Ambor                      
Pontevedra                   
Tamula                          

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento